saka na to!

Monday, February 16, 2009

Ayoko ng bobo.

HAHAHAHA bitter eh.

Ayoko ng bobo.
Ayoko ng mahirap.
Ayoko ng jologs.
Ayoko ng baduy.
Ayoko ng malandi.

Wag mo na pilitin intindihin, ako lang nakakaintindi nyan. Iba na naman ihip ng hangin eh no.

On other news, nagsimula na ang Nursing Audit! O yeah o yeah o yeah. Gone are the days of drinking till we drop. At wag mo na kasing isipin pa yung nasa taas di mo yan makukuha.

Friday, January 30, 2009

Gather!

WOOOOOOSAAAHHHHHHHHHH.

Kailangan lang pala ng anger management chant eh. Aliwin lang ang sarili, magtumbling ng limang beses (sunud-sunod) tapos magtitingin ng pics ayus na.

Pero hanggang kailan 'to? Ayoko na talaga utang na loob. Nahihirapan na ko. Di na masaya. Pwede ba ko magpa-electroconvulsive therapy? Once lang, para malimutan ko na yun. Edi tapos ang problema. Or or or pasurgery sa hypothalamus, di ko na maalala kung san dun banda. Para steady na lang ako forever. Wala na'ng ganung eksena.

Repeat after me: DEDMA DEDMA DEDMA DEDMA

Ayoko na umarayyyyyy. Boooo. Sana di nalang ako pinanganak na seloso.

Wednesday, January 28, 2009

Mahal na ata kita.

Chika lamaaaaaaaaaaang!

Sabi ko na kasi tama na eh!! Lalo lang lumala. Naku lilipas din to.

La la la la la la loooooove. Yahaaayyykssss. Crush na lang. O ayan ah.

Boo lintik magreready na na lang ako. Late na me wer na u? Looool.

Tuesday, January 27, 2009

Awat na!

Ayoko na mang-stalk. Wala namang mabuting nangyayari. Di nakakatulong. Yakkkkk.

Hahaha okay lang yan wala namang makakabasa nito. Ehhh ayoko na talaga naoobsess lang ako lalo. One way naman wala rin. (Eh asa ka naman boii) Lintik sinasagot ko na sarili ko di na magandang senyales to.

Hi blogspot I miss you na. Haha. Dadalasan ko na pagpopost dito kasi naman hanggang ngayon wala pa rin akong 2009 journal. At tulad ng nakaraan, (4 years ago) may flight of ideas pa rin ang entries ko.

Ah basta basta I resign. Di na rin ako tatawa sa sarili kong jokes kasi tacky. Parang pinapatawa mo sarili mo. O burahin na yung mga haha sa taas. Ay ewan dapat ata nagpaiwan ako sa Mental nung nagduty kami dun.

Ang dami kong gustong sabihin. I'm breaking the habit! Eh how can something so wrong feel so right all along? Ano ba itooooo. Bakit nadamany ang Linkin Park at si Toni G.? Going back, ayun na nga tigilan na to lahat. Di na healthy. At at at kailangan ko mag-focus sa school. As in todo concentrate. Di na pwedeng dedma tulad ng dati kasi huli na to. Seryosohan na. Naku naku don't get me started with school stuff, sa ibang entry na yun. Bottom line eh I don't have time for this and even if I had, I shouldn't. Malabo ata, basta yun. Marami pang ibang dapat iprioritize, sayang lang sa oras yan. Eh buti sana kung may pupuntahan.

Oops oops di rin pala. Mas delikado pag may napuntahan. Malaking gulo yan. Magcaclash na naman ang idealism at realism. Eh eh kasi naman! Mabuti na rin siguro yung pagani-ganito na lang para safe diba. Lagi na lang ako bumoborder dun sa safe choice. Pano kaya mabuhay on the edge? Okay super layo na ng narating ko balik na sa title. Basta basta awat na ha??? MUST. RESTRAIN. SELF. FROM. STALKING.

Eh online lang naman to di naman sa personal, wala na kong energy and time para dun. Pero ayun nga napagdesisyunan ko na'ng itigiiiil na. Patayin patayin! Oops maling banat. Enjoy gumawa ng entry sa native language e, dire-diretso lang.

Excited na ko para sa mga kaganapan bukas. Sana matuloy at walang talkshit! Sunggaban na ang bawat opportunity para magsaya, we deserve it no. Next time na uli, panahon na pra Humouse. Byerrrrzzzzz!

Friday, December 26, 2008

History repeats itself.

Enough said.

Tuesday, September 02, 2008

Bente Abante

TWENTY NA KO!

Ayoko pa. Di na ko teen-ager. Di na ko pwede magpacute kasi ang tanda ko na eh. Pag nagkamali ako wala nang palusot na bata pa ko etc. etc. kasi hindi na. This is what it feels like to grow old. Eh bakit ba kasi ang konti ng -teen years? Aynaku dedma. I'll get over it soon.

Dito na lang ako magve-vent out kasi siwalat masyado sa multiply eh. Shumut up na lang yung mga makakabasa nito. OMG I can't put it into words. All I can say is I'm tired of the same thing happening over and over. Parang mapapaisip ka eh. Aynaku ang hirap gawin ng post na to.

Nag-eemote kasi ako ngayon, lagi na lang ganito nilalagay ko dito ah. So ayun. Naku mahirap na talaga magsalita. Kasi naman parang di ako inaantok, feeling ko kailangan ko to ilabas. Well di mo rin naman maiintindihan and I won't be able to get this out of my system so what's the point, eh?

Whatever. Pag di ukol, di bubukol. Pero kailan pa bubukol? Pag puti na ang uwak? Pag itim na ang tagak? Yess daming alam. Ehhhh kaya ko pa naman. Saka marami pang pagkakaabalahan. Ang gulo na no? Flight of ideas ang eksena.

Aynakoooo. 2:30 AM na gising pa ko. Buti na lang medyo fully booked ako bukas baka wala na kong time mag-emote. May joint celebration kami ng birthday ng groupmates ko sa duty, tapos manonood ako ng West Side Story sa Ortigas with the parentals!
Ito pala konting pics ng birthday ko, lahat nasa multiply eh.


Girls + Boys

Ngipin attack with Sublime

with Caps and Anton

ICS represent yo!

Ayan na lang muna. Inaantok na ko. Buti naman. Laterrrrrr.

Monday, December 10, 2007

Pinost ko to dati nung high school sa bulletin board ng Friendster. Di ko alam kung san ko to nakuha. That time kasi nakakarelate ako dito. Puro noon na lang ako ah. Down memory lane ba tong blog na to? Hahahaha

kung meron kang mhal at hnde mo naman alam
nararamdaman nya sau dapat turuan mo ang
sarili
mong maging rational...

kasi kung nde ka ganon magbibigay ka ng
kahulugan sa mga bagay na hnde naman tlga
ganun...

mkakakita ka ng mga signs na wala naman...

makakaramdam ka ng pagmamahal na ilusyon
mo lang naman pala...

mahirap yan...

gabi gabi maiisp mo cya, at kung iniisip ka rin
nya...

ang totoo naman ikaw lang ang nag-iisip...

cya naman mahimbing na ang tulog...

iisipin mo kung kumain na ba cya...

kung ayos lang ba cya...

pero cya iniisip nya kung ano ba ang magandang
palabas sa tv...

bago ka matulog ipagdadasal mo na sana lagi
cyang ligtas...

at sana mahalin ka nya katulad ng pagmamahal
mo sa kanya...

pero pag gising mo bukas...

ganon pa rin ang mundo...

hnde pa rin kau...

malungkot ka pa rin...

at ikaw pa rin lang ang nagmamahal...

ikaw lang...

kapag alam mo na na wlang pag-asa, wag ka na
magpumilit...

kasi...

sa huli...

ikw lang ang masasaktan...

ikaw lang ang umasa sa wala...

nagmukhang tanga ka pa.

O diba sigurista!! Pero tama din naman eh. Siguro kung ako rin ganyan gagawin ko. E kaso hindi. Puro pacute na lang ako ngayon at puro aral. Ayoko na masipa no, ang tagal ko na naghirap. I've worked so hard and I'll be stupid if all those efforts will go down the drain. Konting tiis na lang naman eh. Exam na namin mamaya kabadtrip di ko masyado naintindihan inaral ko.


Mga bata, kumain ng kalabasa, pampalinaw ng mata!