saka na to!

Saturday, April 29, 2006

NCC Youth Camp 2006

Is this for real?

Opo mga kababayan. Ito na ang pinakakahihintay na entry ko about YC06! Yehey!
(insert 20th Century Fox theme here. Haha)

First Day (April 12, 2006)

Gumising sa pagkalamig-lamig na aircon. Nasa NCC pa lang kami eh. Dun na rin ako naligo. Nauna na ung advanced party. Yung mga naiwan ang magwewelcome sa mga campers. Kami yun. Late na nagsidatingan. Bago ba?

Nag-jeep kami papuntang GSP. Napuno namin ung isang jeep. Saya. Nagparegister dun sa gate. Here we come cluster 3! Sarado pa ang rooms. May pakulo pala. At kumukulo na rin ang tiyan ko. Kailangan na maglabas ng sama ng loob. Di ako mapakali. I can't fight this feeling anymore. Haha. Nag-disappearing act ako para tugunin ang tawag ng kalikasan. Biglang naalala ko, sarado pa ang rooms. Wala pang restroom. No choice pero gamitin yung public restroom na parang nung panahon pa ni Josefa Llanes Escoda huling nilinis. Pinatos ko na rin. Tapos nun, I feel good, tenenenenenenen. Hahaha.

Pagbalik ko, nakapila sila sa labas ng mess hall. May game pala. Hahanapin ung bawat piece ng puzzle na nakatago sa ilalim ng dalawang tray. Yung isa puno ng sago, ung isa harina. Saya diba? At nagulat ako ng nalaman kong kasama pati staff. Kill!! Konti pa naman dala kong damit. Wala akong karapatang magdumi! Laking tuwa ko nung nabuo ung puzzle bago ung turn ko. Swerte!

Lunch time. Bumili kami ni Kat ng food sa labas ng GSP. Kain. Siesta kuno. Di ako nakatulog eh.

Games ang pakulo namin nung 1st day. May sulatan sa likod, icebreaker daw un eh. Susulat mo yata sa likod ung first impression mo dun sa isang tao. Teka bago ko malimutan, may bond paper kami sa likod. So yun. Saya nga kasi wala akong ballpen nung mga panahon na un eh. Pero nakasulat pa rin ako. Nyehe. Second game ung Uno Stacko. Nagdadaldalan kami nung mga panahon na to kaya wla akong masasabi.

After ng games e pahinga uli. Akala nyo boring Youth Camp namin noh? Sa first day lang un. Pinick-up na namin ung food sa NCC then balik sa GSP. Dinner. Eto ang first official meal. At first time kong maging tiga-butas ng ID. How challenging! Pero hindi madali yun sinasabi ko sayo. Bakit kamo? Secret!

1st Plenary, si Kuya Buddy ang speaker. Si Micah ang Songleader. Naks! Antok na antok na ko nung mga panahong yun. Dinaan ko na lang sa hilamos para magising ako. After ng plenary, lights off na. Pero hindi pa para sa iba. Nangyari ang kagimbal-gimbal na scenario. Wag nyo na tanungin kung ano. Mabait na ko eh.

2nd Day (April 13, 2006)

Ito na ang umpisa. Ginising kami ni Kuya Ferdie ng 5:30 am para mag-pick up nung breakfast. Madilim pa nga eh. Nakarating kami sa NCC ng 6 am. Pinatulog muna kami sa Prayer Room kasi di pa ready yung food eh. 7 am nasa GSP na kami uli. Kainan na guys!

2nd Plenary. Si Lala songleader. Si Kiel pa rin ang guitarist. Si Pastor Rick ang speaker at ehem, projectionist ako. Malas nga lang kasi ang init na nung tumagal. After ng plenary eh mahabang reflection. Gusto ko na nga matulog kaso di ako sanay matulog sa pathwalk.

Lunch time uli! Nandun na ung food. Saya! Di na kami nagpick-up. Si Kat uli ang dakilang tiga-sandok at ako naman ang magpa-punch ng id sabay check sa record. Pahinga ng 1 hour after lunch. Kailangan nila yun kasi pahihirapan namin sila ng todo. *evil grin*

The Great Commission Journey.
Three teams. Ten different stations for two days. One goal.

Station master ako sa Corinth. Nakalimutan ko na title ng game ko basta ang mechanics may blah blah blah blah yadda yadda yadda yadda and they have to shoot the ring in the bottle without touching the bottle. Gets? Mahirap yun. Tinamad lang ako mag-explain. Meron pang ibang stations. Bible Quiz kay Kat, Drawing na may pahirap kay Ate Iyya, gagawa ng ekek para di mabasag ung egg kay Kuya Huge, Di ko sure na pahirap kay Kuya James, Tent building kay Xernan. Nakablindfold ha. Ang saya nitong first part ng TGCJ. Pramis. Feeling nila nasa Amazing Race sila. How about that? Hahaha.

Dinner then plenary. Actually Consecration Night nito eh. Naka-white dapat lahat. Kaso wala akong dalang white eh. Kaya ang suot ko, jarannn!!! Orange. Lapit no? Bonfire after nun. Tapos bonding with the campers. Saya nga eh. Kaso kinakabahan ako sa posibilidad na ma-kill kami after nun. Buti na lang hindi.

Third Day (April 14, 2006)

Gising uli ng maaga para kunin ung breakfast sa NCC. Pagtapos ng breakfast, nasentensyahan kami sa Isolation Cabin. Nasabon kami ni Ate Iyya. Naku naku. And there's more! Dumating si Kuya Ferdie tapos pinagreflect kami sa isang chapter. Pagbalik, na-kill kami. Masyadong mabula ang manga (room namin) nun. Inabot hanggang lunch.

Lunch Time. Andun na uli ung food, di na kami nag-transport. Nung na-check kong lahat ng campers e may food na pumunta kami nila Kat & Ate Iyya sa office para magbayad. Natuwa kami nung nalaman naming mas mababa pala sa expected namin ung babayaran. Thank You Lord! Biglang nagpakita naman tong mga nagpapa-ispesyal na resibo. Grrrrr. Bakit ngayon lang?

Part 2 ng Great Commission Journey. Di ako station master kaya patambay tambay lang kami ng mga oras na yun. Tingin tingin sa iba't-ibang station, makikigulo, didisplay para mapagkamalang station master.. Ganun lang. Mas action packed ung mga games nung part 1 eh.

Lipad kami uli ni Kat para kunin ung dinner. Pagbalik namin it's time to eat again! Kain na mga anak. Hehe. Tapos pinag-ready na ang mga campers for the next activity.

Last Plenary. Si Aaron ang songleader, gutiarist si Xernan. Si Kuya Ferdie birdie ang speaker at ehem, projectionist ako uli. After nun, Faithwalk! Yey!

Buti na lang nakapag-faithwalk na ko before kaya pwede na kong maging guide! Kaso angel ang na-assign sakin e. Sayang. Gusto ko pa namang maging devil na hindi halata. Saya sana nun. Marami din akong na-guide, kaso yung iba ayaw maniwala eh. Hahaha. At meron pang nag-destiny dito. Naku tigilan na nga yan. Di ko na sasabihin kung sino. Testimonies about faithwalk then puyatan ang sumunod. 3 am na nga ako natulog eh.

Fourth Day (April 15, 2006)

Buti natulog ako. Kasi ginising kami ni Kuya Ferdie ng 4:30 am. Parang nag-siesta lang ah. Kamusta naman ang eyebags ko?

Punta uli kaming NCC for the food. Pagbalik namin tulog na tulog ang mga naghahamon ng walang tulugan. Late na sila nakakain kasi ayaw pa nila magsibangon. After ng breakfast, singspiration. Si Ate Jhane ang songleader, si Kuya Huge naman ang guitarist. Games ang sumunod. Kaso di ko napanood kasi nag-disappearing act kami ni Kat eh. Pero hindi para magbawas ah. Kukunin na namin ung lunch. Pagbalik namin awarding na. Masaya daw ung games eh. Sayang.

Lunch time, pack up, picture picture then goodbye GSP na. Masakit mang isipin pero tapos na ang Youth Camp. Lahat ng bagay ay may katapusan. Naks! Lalim nun ah! Di ko maarok! Tama nga sila, nung mga unang araw gusto na namin matapos ung camp pero nung last day parang ayaw na namin matapos! Jeep kami papunta NCC then staff meeting. 9 pm nasa bahay na ko.

Marami akong natutunan sa camp na to. Ang dami ring firsts. Yung mga dating di ko ginagawa nagawa ko dito. Yung positive ha. Baka isipin nyo nag-drugs ako dun. Pero seryoso, kahit mahirap, kahit inaantok, kahit nasabon, nag-enjoy ako sa Youth Camp. Rewarding pa kasi nakikita ko nayon ung mga youth nagbabonding na. Yung mga dating di nag-uusap, nag-uusap na. Nagsasabihan na ng mga crush crush. Naghahanapan na sa friendster. Ang dami ngang umattend nung Youth Celeb nung April 23 eh. Ang laki ng natulong ng Youth Camp sa mga youth ng NCC. Again again, Thank You Lord! Paulit-ulit ba? Masarap eh.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home