the secret is out
Tumawag sakin kanina yung mananahi ng uniform, kung pwede daw sana eh dalhin ko na yung luma kong uniform para may mapag-gayahan sya. Naisip ko naman na ayain si Daddy at Mother Goose na samahan ako tapos diretso na kaming SM para bumili ng gamit for school. Ayos diba?
Kaso hanggang 10 pm pala duty ni Dad. Yun lang. Nasira plano ko. Tinatamad na talaga ako umalis kasi ang layo nung patahian pag nilakad mula sa sakayan. Buong hapon ako nag-isip ng alternative plan. Kailangan meron. Malapit na pasukan. Di dapat iisang tabi ang uniform.
Bandang alas-sais nang biglang jaraaaaaaannnn!!! Nakagawa na ng napakagandang ideya ang aking utak na minsan na lang magamit! Manonood ako ng sine pagkagaling ko sa patahian! Sino ang isasama ko? Isip.. Isip... Aha! Si Badja!
Nagkaintsikan na kami na magkikita sa HBC. So nagkita nga kami at kumaripas kami papunta sa dress shop, hagis ng uniform, takbo papuntang sakayan.. Robert Langdon, here we come!
Pagdating namin sakto mag-uumpisa pa lang. Tapos may magandang seats pa. Ayos. Meant to be! Nyahahaha. Galit galit muna during the movie. Iniintindi pa namin eh. Oo nga pala bago ko malimutang sabihin, The Da Vinci Code pinanood namin. I've been waiting for this movie since July! Sa wakas!
Natuwa naman ako. Sulit naman. Walang kokontra ah. Expected ko na naman na maraming kulang saka maraming imbento eh. Lagi namang ganun pag ginagawang movie ang book. Pero overall nasiyahan ako. Kaya di nasayang ang mga tinakbo ko pati na rin ung bayad. Sikat lahat ng main characters, si Silas lang ung di ko kilala. Medyo disappointed din ako dun kasi ang na-imagine kong Silas mas nakakatakot eh.
After nung movie may kinita kami ni Badja tapos hinatid namin sa sakayan. Sinwerte lang siya. Tapos sumakay na rin kami. Kumain kami sa pinaka-sosyal na Janet's! Come on! Chat chat ng sandali tapos uwi na. Ginanahan lang ako mag-update. Saka na ung mga nangyaring iba. Sana nga magawan ko ng entry ung mga un. 10 days to go before school starts! Oh no.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home