saka na to!
my day
18 na ko!! Yehey. Syempre feeling bida na naman ako. Birthday ko eh. Di ako pumasok para madama. Basta ganito talaga ako pag birthday ko. Araw ko eh. Walang kokontra.
Di pa ngayon ang party ko pero nagkaron ng mini-party dito sa bahay. Pumunta si Joyce at Ivy. Iniisip ko nga wala akong mapapakain sa kanila eh. Pero di ko na pala kailangan dahil may dala silang foods! At ginawa nilang "donut cake". May sparkling candles effect pa. At ang kinatatakutan kong clowns may hawak ng numbers na 1 at 8. Bale 18. Eto isang pic o.
Natats ako. May ganun pa pala.May birthday song pa bago ang blowing. Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko mag-wish bago mag-blow. Di kasi ako sanay na may cake eh, kailangan pala may wish un. Haha. Natuwa naman ako sa effort nila. Pinaghandaan. Saya. *tear*
At dahil 18 taon na ko, magbibigay ako ng 18 facts about me. Wala lang, para masaya.
1. Di pa ko nakakasakay ng airplane.
2. 10 ang size ng paa ko.
3. Nag-eenjoy ako mag-isa, pero nag-eenjoy din ako ng may kasama. Di ako loner no!
4. Wala akong favorite food.
5. Di pa ko nacoconfine sa ospital as long as I can remember.
6. Kailangan 8 hours lagi ang tulog ko. Minsan sobra pa.
7. Ayoko ng injection.
8. Di ako sanay magsinungaling, kaya pag nagsinungaling ako halata agad.
9. Di rin ako marunong umarte. Narrator lang ako mula grade school.
10. Meron akong hidden talent na pinilit kong itago na lang.
11. Gusto kong maging newscaster dati, di ko maalala kung bakit.
12. Mahiyain ako. Totoo.
13. Di na ko nagka-honor mula tumungtong ako ng high school.
14. May poot ako sa mga bobong teacher.
15. Gusto ko magkaron ng weirdong kaibigan.
16. Gusto ko rin maexperience ang sky diving.
17. Di talaga ko mataba. Mukha ko lang un.
18. Eto ang birthday ko na maraming bumati sakin. Bakit kaya?
Medyo rush yan kaya kung anu-ano na lang nilagay ko. Hehe. September 8 ang party guys. Dito sa bahay. May ginawa nga kaming guest list kanina eh. Nakakatawa may blacklisted pa. Yan na muna. Saka na ung iba.
I wanna take you to a rollercoaster
Nagagalak akong ipaalam sa inyo na hindi ako nag-cutting kahapon. I'm so good. Hinintay ko lang matapos yung class na maaga natapos (thank God) then dumiretso na ko sa Sulo Hotel. Buti umabot pa ko, at mahabang praktisan pa ang naganap. After nun tinreat kami ng dinner sa Kamay Kainan. Eat All You Can. Nyarap. Kodakan ng walang humpay then roadtrip pauwi dahil sa hatiran.Ethics kanina then lunch. Ang masama nito (masama nga ba?) bigla kaming nagkaayaan mag-Gateway and we all agreed na hindi na kami papasok sa I.T. para makarami. Parang palengke lang. So tinotoo namin ang napag-usapan at jarannnn! Gateway, here we come!Masaya naman ang nangyari. Di naman ako nagsisi kahit na nag-quiz pa sila sa I.T., di naman enjoy yun eh. Hehe. Kung makaasta kami parang tapos na Midterms. Ang saya saya pa nung part na sumakay sila sa Viking, di na ko makahinga sa kakatawa, para kasi silang bibitayin kung makasigaw. Aliw talaga!Napasok ko na rin ung matarik na National Bookstore sa Cubao. Andaming books ang saya saya. Pwede na ko tumira dun. Naku, baka mapanaginipan ko yun mamaya. Nagtingin-tingin pa kami ni Ivy sa ukay ukay bago umuwi. Tapos kain sa Janet's, coffee sa Nori. Ayos. Sinulit ang araw. Para makita ang pictures, punta ka sa http://vonski.multiply.com pero syempre dapat contact kita bago mo makita un.Bukas na pala yung debut. This is it! Party time! Yahoo!
Beep Beep ang sabi ng Jeep
Hello again. I'm back again from the underworld. Joke lang. As usual ang tagal ko na namang nawala. Ang hirap pala mag-maintain ng blog. Minsan lang kasi ako magcomputer nowadays tapos inaatake pa ko ng katamaran kaya di ako nakakapag-update ng blog. Ayos lang yun, ako lang naman bumabasa nito eh. Kuul.Assuming na may readers, bibigyan ko kayo ng sneak peek sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Teaser lang para mabilis, saka para may thrill. Here it goes..*Physical Assessment (Duh.. As if anyone cares!)*Kissing Scenes*Confrontations/Open Forums(?)*Gonuts Donuts*Just My Luck*Root Canal*Nawawalang goggles*Yakisoba Challenge*Swing Practice*Powerpoint Reports (Payaman!)Marami pang iba kaso di ko na maalala. Siguro naman may idea na kayo ng mga adventures ko ng mga nakalipas na araw. Peborits ko ung Kissing Scene. Kakilig. Hulaan nyo na lang kung sino. Sayang di ko napicturan. Di bale, pasasaan at makukuhaan ko din un.Gagawa pa ko ng Reflection para sa Philo. Baka bukas na lang un. May Dress Rehearsal pa ng 4-6 dun sa Hotel, eh 2-5 naman ung Philo. Bahala na kung anong hocus pocus ang gagawin ko bukas to be on two places at once. Parang A Walk to Remember lang ah. Naku, nakakaamoy ako ng cutting. Tsk.O siya siya babayoo na.