saka na to!

Wednesday, August 30, 2006

my day

18 na ko!! Yehey. Syempre feeling bida na naman ako. Birthday ko eh. Di ako pumasok para madama. Basta ganito talaga ako pag birthday ko. Araw ko eh. Walang kokontra.


Di pa ngayon ang party ko pero nagkaron ng mini-party dito sa bahay. Pumunta si Joyce at Ivy. Iniisip ko nga wala akong mapapakain sa kanila eh. Pero di ko na pala kailangan dahil may dala silang foods! At ginawa nilang "donut cake". May sparkling candles effect pa. At ang kinatatakutan kong clowns may hawak ng numbers na 1 at 8. Bale 18. Eto isang pic o.

Natats ako. May ganun pa pala.May birthday song pa bago ang blowing. Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko mag-wish bago mag-blow. Di kasi ako sanay na may cake eh, kailangan pala may wish un. Haha. Natuwa naman ako sa effort nila. Pinaghandaan. Saya. *tear*

At dahil 18 taon na ko, magbibigay ako ng 18 facts about me. Wala lang, para masaya.
1. Di pa ko nakakasakay ng airplane.
2. 10 ang size ng paa ko.
3. Nag-eenjoy ako mag-isa, pero nag-eenjoy din ako ng may kasama. Di ako loner no!
4. Wala akong favorite food.
5. Di pa ko nacoconfine sa ospital as long as I can remember.
6. Kailangan 8 hours lagi ang tulog ko. Minsan sobra pa.
7. Ayoko ng injection.
8. Di ako sanay magsinungaling, kaya pag nagsinungaling ako halata agad.
9. Di rin ako marunong umarte. Narrator lang ako mula grade school.
10. Meron akong hidden talent na pinilit kong itago na lang.
11. Gusto kong maging newscaster dati, di ko maalala kung bakit.
12. Mahiyain ako. Totoo.
13. Di na ko nagka-honor mula tumungtong ako ng high school.
14. May poot ako sa mga bobong teacher.
15. Gusto ko magkaron ng weirdong kaibigan.
16. Gusto ko rin maexperience ang sky diving.
17. Di talaga ko mataba. Mukha ko lang un.
18. Eto ang birthday ko na maraming bumati sakin. Bakit kaya?

Medyo rush yan kaya kung anu-ano na lang nilagay ko. Hehe. September 8 ang party guys. Dito sa bahay. May ginawa nga kaming guest list kanina eh. Nakakatawa may blacklisted pa. Yan na muna. Saka na ung iba.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home