saka na to!

Monday, February 26, 2007

Willy Wonka Willy Wonka Willy Wonka Willy Willy Wonka

Di ko natuloy ang panata kong pagdalas ng posting dahil nag-crash yung CPU namin. Edi inayos, kaso nawala lahat ng laman. Hindi yung hardware ha. Yung files. Bago na pala monitor. Nakakatuwa.

So what's new? Wala, yung monitor lang. Ewan, wala akong maisulat. Naku wala namang nagbabasa nito kaya sige lang. I'm printing a copy of the manuscript for the case presentation on Wednesday. It's 91 pages so I decided to while the time by updating my blog. Nag field trip kami kahapon sa Orchidarium sa Luneta saka sa U.P. Los Banos. Akala naman nila natuwa kami. Di ako masyadong nasiyahan sa mga lugar pero masaya sa bus. Dun lang ako nag-enjoy. Sana nagbyahe na lang kami all day. Gusto nyo ng picture? Ito isa.

(L-R) Ako, Carla, Caps, Kristle, Edel at Geof

Sa McDo Ever pa lang kami sa pic na to. Di pa kami nakakasakay ng bus. Sumingit pa si Warren dun sa likod.

Meron nga pala kong tinry na quiz kanina. I'm so sure of what will be the result but I was proven wrong. Natawa nga ko sa resulta eh. Baka totoo. Hehe.



Your primary vice is drugs





You like to experiment with your perceptions, and doing so lets you forget about all of the little annoying problems in your life. You are very fun loving, and enjoy partying.


Take this quiz at QuizUniverse.com

Tuesday, February 13, 2007

You call this an entry?

Back to school na naman. Namiss ko rin pumasok dahil sa 3 day vacation namin. Napansin ko bigla finals na pala. In less than 2 months tapos na ang second sem. Magkakahiwa-hiwalay na kami ng mga blockmate ko na nakasama ko na simula nung first day ng College Life ko. Lungkot no? Wala naman akong balak magdrama ngayon, naisip ko lang, how will my life be kapag alphabetical na ang system?

Siguro magiging classmate ko pa rin ung mga M ang last name, malamang. Pero pano na sila Sy? Valenciano? Tabernilla? Irorita? Lahat ng mga kasama ko sa kalokohan, kasiyahan at kung anu-ano pa. Ayoko na nga. Sana wag na nila ipatupad yan.

Pero malay natin may maganda palang maidudulot ang bago kong classmates. Yun eh kung papasa ko ng battery exam. Sa March na pala yun. Feeling ko naman papasa ako dun eh. Basta. Alam ko lang. Hay.. Malapit ko na makalahati ang Nursing. Konting tiis na lang.

Araw ng mga puso pala bukas! Di naman uso sakin yun eh, dumadaan lang ang Feb. 14 tapos, tapos na. Pero last year masaya ginawa namin nung Valentine's. Di ako nakipagdate no. "Tumambay" lang kami at nagbonding. Nagkodakan ng walang humpay. Ano kaya meron bukas? Gabi na kasi matatapos klase namin eh. Pero sana may kasiya-siyang mangyari. Naku sigurado maraming naka-red bukas. Marami ding magsyota na matching ang mga damit. I can't wait to make fun of them. Haha. Sama ko. Ganun talaga pag walang magawa.

Jologs Attack naman. Naiirita ako kay Jewel Mische ng Starstruck. Ewan ko kung bakit pero di ako natutuwa sa kanya. Masyado sya pacute. Naku naku. Ambagal pa magsalita sa sobrang pagpapacute di na effective. Ay ewan. Maputi lang sya. Haha parang ang laki ng galit ko no.

Meron pala kaming Field Trip sa Feb. 25! Hayskul! Sana enjoy. Tagal ko na ring di fumieldtrip.

Sunday, February 11, 2007

Nakakayamot.

May ipopost dapat akong entry na kanina ko pa pinag-iisipan kaso si Daddy nagmamadali. Palung-palo mag-ready for gym. Ehhh... Nakakatamad pa eh.

Mamaya na lang update ko pag-uwi!

Friday, February 09, 2007

Hello Hello

Nagsasawa na ko sabihin to pero I'M BACK!!! For the nth time! September pa pala yung last post ko kaya medyo inaagiw na tong blog ko. Nakakamiss din mag-post. Napag-isip isip kong dito na lang magpost kasi masyadong maraming audience sa Multiply. Eh dito ako lang nagbabasa. O diba the best.

Ang dami ko palang kailangan ayusin sa blog na to. Baka tanggalin ko na rin yung question box kasi ang gulo kausap eh. Saka katamad na ayusin. Ito ngang layout ko mukhang bond paper lang. Di ko pa maayos. I'm super busy na kasi eh. Naks. Pero this time totoo. Katatapos lang ng Midterm namin, inaasikaso pa yung Socialization para sa R.L.E., blahblahblahyaddiyaddawallawalla.. Let's not talk about it. I don't want to worry you with that stuff.

Ang saya parang balik uli ako sa circulation. May bago na rin akong pics sa Multiply. Nakakatuwa naman. Week-long din ang stress ng exam. I'm really glad it's finally overrrrrrrrrrrr.

Maghihimutok pala ko ngayon. Ito na ang gagawin kong shock absorber. Wala kasi akong makausap eh. Nababadtrip ako sa mga nagpopost ng mga survey sa Friendster na trying hard masyado mag-english. Yung mga halatang mali talaga. Simpleng tense ng mga verbs di pa maiayos. Sana tinagalog na lang nila. Oo nga practice makes perfect, pero hello? Sarili naman nila ang hinihiya nila sa pagagaganun nila. Kung magpapractice sila wag na lang nilang ipost. Sarilinin na lang nila. Naku ang sama ko naman.

Pampasaya naman. Siguro di kayo makakarelate pero nakita ko kapareho nung favorite shirt ni Shernan ung suot ni Mart Escudero sa Starstruck kanina, pero parang behind the scene lang yun eh. Wala lang. Parang walang makakarelate dito.

Share naman ako ng panalong banat. Galing kay Joyce.

"Troso ka ba?"

"Gusto kasi kitang sibakin eh."

HAHAHAHA. Pasintabi na lang sa mga conservative kuno. Natawa ako dito. At ang pinakamagaling dun, natutunan ko yan habang nasa simbahan, on a Sunday afternoon.

O diba para nang variety show ang blog ko. Daming bagong pakulo. Saka na uli yung iba.