You call this an entry?
Back to school na naman. Namiss ko rin pumasok dahil sa 3 day vacation namin. Napansin ko bigla finals na pala. In less than 2 months tapos na ang second sem. Magkakahiwa-hiwalay na kami ng mga blockmate ko na nakasama ko na simula nung first day ng College Life ko. Lungkot no? Wala naman akong balak magdrama ngayon, naisip ko lang, how will my life be kapag alphabetical na ang system?
Siguro magiging classmate ko pa rin ung mga M ang last name, malamang. Pero pano na sila Sy? Valenciano? Tabernilla? Irorita? Lahat ng mga kasama ko sa kalokohan, kasiyahan at kung anu-ano pa. Ayoko na nga. Sana wag na nila ipatupad yan.
Pero malay natin may maganda palang maidudulot ang bago kong classmates. Yun eh kung papasa ko ng battery exam. Sa March na pala yun. Feeling ko naman papasa ako dun eh. Basta. Alam ko lang. Hay.. Malapit ko na makalahati ang Nursing. Konting tiis na lang.
Araw ng mga puso pala bukas! Di naman uso sakin yun eh, dumadaan lang ang Feb. 14 tapos, tapos na. Pero last year masaya ginawa namin nung Valentine's. Di ako nakipagdate no. "Tumambay" lang kami at nagbonding. Nagkodakan ng walang humpay. Ano kaya meron bukas? Gabi na kasi matatapos klase namin eh. Pero sana may kasiya-siyang mangyari. Naku sigurado maraming naka-red bukas. Marami ding magsyota na matching ang mga damit. I can't wait to make fun of them. Haha. Sama ko. Ganun talaga pag walang magawa.
Jologs Attack naman. Naiirita ako kay Jewel Mische ng Starstruck. Ewan ko kung bakit pero di ako natutuwa sa kanya. Masyado sya pacute. Naku naku. Ambagal pa magsalita sa sobrang pagpapacute di na effective. Ay ewan. Maputi lang sya. Haha parang ang laki ng galit ko no.
Meron pala kaming Field Trip sa Feb. 25! Hayskul! Sana enjoy. Tagal ko na ring di fumieldtrip.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home