I wanna take you to a rollercoaster
Nagagalak akong ipaalam sa inyo na hindi ako nag-cutting kahapon. I'm so good. Hinintay ko lang matapos yung class na maaga natapos (thank God) then dumiretso na ko sa Sulo Hotel. Buti umabot pa ko, at mahabang praktisan pa ang naganap. After nun tinreat kami ng dinner sa Kamay Kainan. Eat All You Can. Nyarap. Kodakan ng walang humpay then roadtrip pauwi dahil sa hatiran.
Ethics kanina then lunch. Ang masama nito (masama nga ba?) bigla kaming nagkaayaan mag-Gateway and we all agreed na hindi na kami papasok sa I.T. para makarami. Parang palengke lang. So tinotoo namin ang napag-usapan at jarannnn! Gateway, here we come!
Masaya naman ang nangyari. Di naman ako nagsisi kahit na nag-quiz pa sila sa I.T., di naman enjoy yun eh. Hehe. Kung makaasta kami parang tapos na Midterms. Ang saya saya pa nung part na sumakay sila sa Viking, di na ko makahinga sa kakatawa, para kasi silang bibitayin kung makasigaw. Aliw talaga!
Napasok ko na rin ung matarik na National Bookstore sa Cubao. Andaming books ang saya saya. Pwede na ko tumira dun. Naku, baka mapanaginipan ko yun mamaya. Nagtingin-tingin pa kami ni Ivy sa ukay ukay bago umuwi. Tapos kain sa Janet's, coffee sa Nori. Ayos. Sinulit ang araw. Para makita ang pictures, punta ka sa http://vonski.multiply.com pero syempre dapat contact kita bago mo makita un.
Bukas na pala yung debut. This is it! Party time! Yahoo!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home