Hello Hello
Nagsasawa na ko sabihin to pero I'M BACK!!! For the nth time! September pa pala yung last post ko kaya medyo inaagiw na tong blog ko. Nakakamiss din mag-post. Napag-isip isip kong dito na lang magpost kasi masyadong maraming audience sa Multiply. Eh dito ako lang nagbabasa. O diba the best.
Ang dami ko palang kailangan ayusin sa blog na to. Baka tanggalin ko na rin yung question box kasi ang gulo kausap eh. Saka katamad na ayusin. Ito ngang layout ko mukhang bond paper lang. Di ko pa maayos. I'm super busy na kasi eh. Naks. Pero this time totoo. Katatapos lang ng Midterm namin, inaasikaso pa yung Socialization para sa R.L.E., blahblahblahyaddiyaddawallawalla.. Let's not talk about it. I don't want to worry you with that stuff.
Ang saya parang balik uli ako sa circulation. May bago na rin akong pics sa Multiply. Nakakatuwa naman. Week-long din ang stress ng exam. I'm really glad it's finally overrrrrrrrrrrr.
Maghihimutok pala ko ngayon. Ito na ang gagawin kong shock absorber. Wala kasi akong makausap eh. Nababadtrip ako sa mga nagpopost ng mga survey sa Friendster na trying hard masyado mag-english. Yung mga halatang mali talaga. Simpleng tense ng mga verbs di pa maiayos. Sana tinagalog na lang nila. Oo nga practice makes perfect, pero hello? Sarili naman nila ang hinihiya nila sa pagagaganun nila. Kung magpapractice sila wag na lang nilang ipost. Sarilinin na lang nila. Naku ang sama ko naman.
Pampasaya naman. Siguro di kayo makakarelate pero nakita ko kapareho nung favorite shirt ni Shernan ung suot ni Mart Escudero sa Starstruck kanina, pero parang behind the scene lang yun eh. Wala lang. Parang walang makakarelate dito.
Share naman ako ng panalong banat. Galing kay Joyce.
"Troso ka ba?"
"Gusto kasi kitang sibakin eh."
HAHAHAHA. Pasintabi na lang sa mga conservative kuno. Natawa ako dito. At ang pinakamagaling dun, natutunan ko yan habang nasa simbahan, on a Sunday afternoon.
O diba para nang variety show ang blog ko. Daming bagong pakulo. Saka na uli yung iba.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home